First blog after hiatus
Happy Valentine's Day to everyone!
Sana magprosper itong bagong blog ko. Matagal na rin akong tumigil sa pagboblog. November 1, All Saint's Day.
Ngayong Valentine's Day ay nagkataon nang hindi sinasadya ang pagbabalik ng blogging activity ko.
Medyo private kasi akong tao eh kaya halos walang updates ang mga dati kong blog maliban sa forwarded messages na interesting sa akin. Sabi nga ng isang kaibigan, pag nawala o nabura lahat ng files sa server kung saan naka-store ang mga files ng blog ay nawala din lahat ng blogs mo. May tawag ako dyan, Blags. Hehe.
Anyway, since Valentine's Day ngayon ay isi-share ko itong joke ng isang well-known corny na filipino physicist: Kung meron daw Pares Mami, dapat meron din daw Pares Dadi.
Ano naman ang kinalaman ng Pares sa Valentine's Day? Meron: kapag dun kayo nagdinner date ng lover mo sa Pares, ang tawag sa inyong dalawa ay "Lovers in Pares". Hehe. Kung nakalimutan nyo na, galing yan sa isang sikat na koreanovela na "Lovers in Paris".
Hmmm. Medyo humaba din itong first blog ko. si ya!


